Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 8)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O nagsasabi sila: “Ginawa-gawa niya [ang Qur’ān na] ito.” Sabihin mo: “Kung gumawa-gawa ako nito ay hindi kayo makapagdudulot para sa akin laban kay Allāh ng anuman. Siya ay higit na maalam sa anumang sinusuong. Nakasapat Siya bilang saksi sa pagitan ko at sa pagitan ninyo. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.” (8)
Tafsīr
O nagsasabi ang mga tagapagtambal na ito: "Tunay na si Muḥammad ay lumikha-likha ng Qur'ān na ito at nag-ugnay nito kay Allāh." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kung lumikha-likha ako nito mula sa pagkukusa ng sarili ko ay hindi kayo nakapagdudulot para sa akin ng isang pampaligtas kung nagnais si Allāh na pagdusahin ako kaya papaanong magsasalang ako ng sarili ko sa pagdurusa sa pamamagitan ng paglikha-likha laban sa Kanya? Si Allāh ay higit na maalam sa anumang sinusuong ninyo na paninirang-puri sa Qur'ān Niya at pagtuligsa sa akin. Nakasapat na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – bilang saksi sa pagitan ko at sa pagitan ninyo. Siya ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: