Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥqāf — Talata 8 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥqāf • Talata 8 sa 35 • Tagalog


أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَاهُ ۖ قُلْ إِنِ افْتَرَيْتُهُ فَلَا تَمْلِكُونَ لِي مِنَ اللَّهِ شَيْئًا ۖ هُوَ أَعْلَمُ بِمَا تُفِيضُونَ فِيهِ ۖ كَفَىٰ بِهِ شَهِيدًا بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ ۖ وَهُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ 8
Pagsasalin:
O nagsasabi sila: “Ginawa-gawa niya [ang Qur’ān na] ito.” Sabihin mo: “Kung gumawa-gawa ako nito ay hindi kayo makapagdudulot para sa akin laban kay Allāh ng anuman. Siya ay higit na maalam sa anumang sinusuong. Nakasapat Siya bilang saksi sa pagitan ko at sa pagitan ninyo. Siya ay ang Mapagpatawad, ang Maawain.” Al-Aḥqāf 46:8
Tafsīr:
O nagsasabi ang mga tagapagtambal na ito: "Tunay na si Muḥammad ay lumikha-likha ng Qur'ān na ito at nag-ugnay nito kay Allāh." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kung lumikha-likha ako nito mula sa pagkukusa ng sarili ko ay hindi kayo nakapagdudulot para sa akin ng isang pampaligtas kung nagnais si Allāh na pagdusahin ako kaya papaanong magsasalang ako ng sarili ko sa pagdurusa sa pamamagitan ng paglikha-likha laban sa Kanya? Si Allāh ay higit na maalam sa anumang sinusuong ninyo na paninirang-puri sa Qur'ān Niya at pagtuligsa sa akin. Nakasapat na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – bilang saksi sa pagitan ko at sa pagitan ninyo. Siya ay ang Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥqāf • Talata 7 Susunod Al-Aḥqāf • Talata 9