Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Aḥqāf — Talata 9 (Tagalog) — Bidyo

Al-Aḥqāf • Talata 9 sa 35 • Tagalog


قُلْ مَا كُنْتُ بِدْعًا مِنَ الرُّسُلِ وَمَا أَدْرِي مَا يُفْعَلُ بِي وَلَا بِكُمْ ۖ إِنْ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰ إِلَيَّ وَمَا أَنَا إِلَّا نَذِيرٌ مُبِينٌ 9
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Hindi ako isang pinasimulan mula sa mga sugo at hindi ako nakababatid sa gagawin sa akin ni sa inyo [sa Mundo]. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin at walang iba ako kundi isang mapagbabalang malinaw.” Al-Aḥqāf 46:9
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito sa pagkapropeta mo: "Hindi ako isang unang sugo na ipinadala ni Allāh para magtaka kayo sa paanyaya ko para sa inyo sapagkat may nauna na sa akin na maraming sugo. Hindi ako nakaaalam sa gagawin ni Allāh sa akin at hindi ako nakaaalam sa gagawin Niya sa inyo sa Mundo. Wala akong sinusunod kundi ang ikinakasi ni Allāh sa akin kaya wala akong sinasabi at wala akong ginagawa kundi alinsunod sa ikinakasi Niya. Walang iba ako kundi isang mapagbabalang nagbababala sa inyo ng pagdurusang dulot ni Allāh, na malinaw ang pagbabala."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Aḥqāf • Talata 8 Susunod Al-Aḥqāf • Talata 10