Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 9)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Hindi ako isang pinasimulan mula sa mga sugo at hindi ako nakababatid sa gagawin sa akin ni sa inyo [sa Mundo]. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin at walang iba ako kundi isang mapagbabalang malinaw.” (9)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito sa pagkapropeta mo: "Hindi ako isang unang sugo na ipinadala ni Allāh para magtaka kayo sa paanyaya ko para sa inyo sapagkat may nauna na sa akin na maraming sugo. Hindi ako nakaaalam sa gagawin ni Allāh sa akin at hindi ako nakaaalam sa gagawin Niya sa inyo sa Mundo. Wala akong sinusunod kundi ang ikinakasi ni Allāh sa akin kaya wala akong sinasabi at wala akong ginagawa kundi alinsunod sa ikinakasi Niya. Walang iba ako kundi isang mapagbabalang nagbababala sa inyo ng pagdurusang dulot ni Allāh, na malinaw ang pagbabala."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: