Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapakatamasa [sa Mundo] at kumakain kung paanong kumakain ang mga hayupan. Ang Apoy ay tuluyan para sa kanila. (12)
Tafsīr
Tunay na si Allāh ay magpapapasok sa mga sumampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya at gumawa ng mga gawang maayos sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog. Ang mga tumatangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay nagtatamasa sa Mundo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ninanasa nila at kumakain kung paanong kumakain ang mga hayupan; walang pinahahalagahan para sa kanila kundi ang mga tiyan nila at ang mga tawag ng laman nila. Ang Apoy sa Araw ng Pagbangon ay pamamalagihan nila na tutuluyan nila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: