Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang paglalarawan sa Paraiso – na pinangakuan ang mga tagapangilag magkasala roon ng mga ilog mula sa tubig na hindi nagbabago, ng mga ilog mula sa gatas na hindi nagbago ang lasa nito, ng mga ilog mula sa alak na kasarapan para sa mga tagainom, at ng mga ilog mula sa pulut-pukyutan na dinalisay, at may ukol sa kanila roon na lahat ng mga bunga at isang kapatawaran mula sa Panginoon nila – ay gaya ba ng mga mamamalagi sa Apoy at paiinumin ng isang nakapapasong tubig kaya magpuputul-putol ito sa mga bituka nila? (15)
Tafsīr
Ang katangian ng Paraiso – na ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya – ay na magpapasok Siya sa kanila roon. Doon ay may mga ilog mula sa tubig na hindi nagbabago sa amoy ni sa lasa dahil sa tagal ng pananatili. Doon ay may mga ilog mula sa gatas na hindi nagbabago ang lasa nito. Doon ay may mga ilog mula sa alak na masarap para sa mga tagainom. [Doon ay] may mga ilog ng pulut-pukyutan na dinalisay na mula sa mga kasiraan. May ukol sa kanila roon na lahat ng mga uri ng mga bungang nanaisin nila. May ukol sa kanila higit doon sa kabuuan niyon na isang pagpapawi mula kay Allāh ng mga pagkakasala nila kaya hindi Siya maninisi sa kanila dahil sa mga ito. Nagkakapantay kaya ang sinumang ito ang ganti sa kanya at ang mga mamamalagi sa Apoy, na hindi lalabas mula roon magpakailanman at paiinumin ng tubig na matindi ang pagkainit kaya magpuputul-putol ito ng mga bituka ng mga tiyan nila dahil sa tindi ng init nito?
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: