Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Muḥammad — Talata 15 (Tagalog) — Bidyo

Muḥammad • Talata 15 sa 38 • Tagalog


مَثَلُ الْجَنَّةِ الَّتِي وُعِدَ الْمُتَّقُونَ ۖ فِيهَا أَنْهَارٌ مِنْ مَاءٍ غَيْرِ آسِنٍ وَأَنْهَارٌ مِنْ لَبَنٍ لَمْ يَتَغَيَّرْ طَعْمُهُ وَأَنْهَارٌ مِنْ خَمْرٍ لَذَّةٍ لِلشَّارِبِينَ وَأَنْهَارٌ مِنْ عَسَلٍ مُصَفًّى ۖ وَلَهُمْ فِيهَا مِنْ كُلِّ الثَّمَرَاتِ وَمَغْفِرَةٌ مِنْ رَبِّهِمْ ۖ كَمَنْ هُوَ خَالِدٌ فِي النَّارِ وَسُقُوا مَاءً حَمِيمًا فَقَطَّعَ أَمْعَاءَهُمْ 15
Pagsasalin:
Ang paglalarawan sa Paraiso – na pinangakuan ang mga tagapangilag magkasala roon ng mga ilog mula sa tubig na hindi nagbabago, ng mga ilog mula sa gatas na hindi nagbago ang lasa nito, ng mga ilog mula sa alak na kasarapan para sa mga tagainom, at ng mga ilog mula sa pulut-pukyutan na dinalisay, at may ukol sa kanila roon na lahat ng mga bunga at isang kapatawaran mula sa Panginoon nila – ay gaya ba ng mga mamamalagi sa Apoy at paiinumin ng isang nakapapasong tubig kaya magpuputul-putol ito sa mga bituka nila? Muḥammad 47:15
Tafsīr:
Ang katangian ng Paraiso – na ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya – ay na magpapasok Siya sa kanila roon. Doon ay may mga ilog mula sa tubig na hindi nagbabago sa amoy ni sa lasa dahil sa tagal ng pananatili. Doon ay may mga ilog mula sa gatas na hindi nagbabago ang lasa nito. Doon ay may mga ilog mula sa alak na masarap para sa mga tagainom. [Doon ay] may mga ilog ng pulut-pukyutan na dinalisay na mula sa mga kasiraan. May ukol sa kanila roon na lahat ng mga uri ng mga bungang nanaisin nila. May ukol sa kanila higit doon sa kabuuan niyon na isang pagpapawi mula kay Allāh ng mga pagkakasala nila kaya hindi Siya maninisi sa kanila dahil sa mga ito. Nagkakapantay kaya ang sinumang ito ang ganti sa kanya at ang mga mamamalagi sa Apoy, na hindi lalabas mula roon magpakailanman at paiinumin ng tubig na matindi ang pagkainit kaya magpuputul-putol ito ng mga bituka ng mga tiyan nila dahil sa tindi ng init nito?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Muḥammad • Talata 14 Susunod Muḥammad • Talata 16