Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Muḥammad — Talata 16 (Tagalog) — Bidyo

Muḥammad • Talata 16 sa 38 • Tagalog


وَمِنْهُمْ مَنْ يَسْتَمِعُ إِلَيْكَ حَتَّىٰ إِذَا خَرَجُوا مِنْ عِنْدِكَ قَالُوا لِلَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ مَاذَا قَالَ آنِفًا ۚ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ طَبَعَ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ وَاتَّبَعُوا أَهْوَاءَهُمْ 16
Pagsasalin:
Mayroon sa kanila [ng mga tagatangging sumampalataya] na [nagkukunwaring] nakikinig sa iyo; hanggang nang nakalabas sila mula sa piling mo ay nagsabi sila sa mga binigyan ng kaalaman: “Ano ang sinabi niya kanina?” Ang mga iyon ay ang mga nagpinid si Allāh sa mga puso nila at sumunod sa mga pithaya nila. Muḥammad 47:16
Tafsīr:
Mayroon sa mga mapagpaimbabaw na nakikinig sa iyo, O Sugo, ayon sa pakikinig na walang pagtanggap na kalakip, bagkus kalakip ng pag-ayaw, na hanggang sa kapag nakalabas sila mula sa piling mo ay nagsabi sila sa mga binigyan ni Allāh ng kaalaman: "Ano ang sinabi niya sa pakikipag-usap niya kamakailan?" dala ng pagwawalang-bahala mula sa kanila at dala ng pag-ayaw. Ang mga iyon ay ang mga nagsara si Allāh sa mga puso nila kaya walang nakararating sa mga ito na kabutihan, at sumunod sa mga pithaya nila kaya bumulag ang mga ito sa kanila palayo sa katotohanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Muḥammad • Talata 15 Susunod Muḥammad • Talata 17