Surah Muḥammad (Muhammad — محمد) (Talata 16)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




47 Muḥammad(محمد), Talata 16

وَمِنْهُمْ مَنْ يَسْتَمِعُ إِلَيْكَ حَتَّىٰ إِذَا خَرَجُوا مِنْ عِنْدِكَ قَالُوا لِلَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ مَاذَا قَالَ آنِفًا ۚ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ طَبَعَ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ وَاتَّبَعُوا أَهْوَاءَهُمْ 16 ١٦

Mayroon sa kanila [ng mga tagatangging sumampalataya] na [nagkukunwaring] nakikinig sa iyo; hanggang nang nakalabas sila mula sa piling mo ay nagsabi sila sa mga binigyan ng kaalaman: “Ano ang sinabi niya kanina?” Ang mga iyon ay ang mga nagpinid si Allāh sa mga puso nila at sumunod sa mga pithaya nila. (16)

Tafsīr
Mayroon sa mga mapagpaimbabaw na nakikinig sa iyo, O Sugo, ayon sa pakikinig na walang pagtanggap na kalakip, bagkus kalakip ng pag-ayaw, na hanggang sa kapag nakalabas sila mula sa piling mo ay nagsabi sila sa mga binigyan ni Allāh ng kaalaman: "Ano ang sinabi niya sa pakikipag-usap niya kamakailan?" dala ng pagwawalang-bahala mula sa kanila at dala ng pag-ayaw. Ang mga iyon ay ang mga nagsara si Allāh sa mga puso nila kaya walang nakararating sa mga ito na kabutihan, at sumunod sa mga pithaya nila kaya bumulag ang mga ito sa kanila palayo sa katotohanan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba