Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na ang mga nangangako ng katapatan sa iyo [O Propeta Muḥammad] ay nangangako lamang ng katapatan kay Allāh habang ang kamay ni Allāh ay nasa ibabaw ng mga kamay nila. Kaya ang sinumang sumira [sa pangako] ay sumisira lamang siya laban sa sarili niya. Ang sinumang tumupad sa pakikipagkasunduan kay Allāh ay magbibigay Siya sa kanya ng isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso]. (10)
Tafsīr
Tunay na ang mga nangangako ng katapatan sa iyo, O Sugo, sa pangako ng katapatan ng pagkalugod sa pakikipaglaban sa mga tagapagtambal kabilang sa mga mamamayan ng Makkah ay nangangako lamang ng katapatan kay Allāh dahil Siya ay ang nag-utos sa kanila ng pakikipaglaban sa mga tagapagtambal at Siya ay ang gaganti sa kanila. Ang Kamay ni Allāh ay nasa ibabaw ng mga kamay nila sa sandali ng pangako ng katapatan. Siya ay nakatatalos sa kanila; walang nakakukubli sa Kanya mula sa kanila na anuman. Kaya ang sinumang sumira sa pangako ng katapatan nito at hindi tumupad sa pakikipagkasunduan kay Allāh na pag-aadya sa Relihiyon Niya, ang kapinsalaan lamang ng pagsira nito sa pangako nito ng katapatan at ng pagsira nito sa kasunduan nito ay mauuwi rito sapagkat si Allāh ay hindi napipinsala niyon. Ang sinumang tumupad sa pakikipagkasunduan kay Allāh na pag-aadya sa Relihiyon Niya ay magbibigay Siya rito ng isang ganting sukdulan, ang Paraiso.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: