Surah Al-Fatḥ (Ang Tagumpay — الفتح) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




48 Al-Fatḥ(الفتح), Talata 12

بَلْ ظَنَنْتُمْ أَنْ لَنْ يَنْقَلِبَ الرَّسُولُ وَالْمُؤْمِنُونَ إِلَىٰ أَهْلِيهِمْ أَبَدًا وَزُيِّنَ ذَٰلِكَ فِي قُلُوبِكُمْ وَظَنَنْتُمْ ظَنَّ السَّوْءِ وَكُنْتُمْ قَوْمًا بُورًا 12 ١٢

Bagkus nagpalagay kayo na hindi uuwi ang Sugo at ang mga mananampalataya sa mga mag-anak nila magpakailanman, ipinang-akit iyon sa mga puso ninyo, nagpalagay kayo ng pagpapalagay ng kasagwaan, at kayo ay naging mga taong napariwara.” (12)

Tafsīr
Ang idinahi-dahilan ninyo na pagkaabala sa pangangalaga sa mga ari-arian at mga anak ay hindi ang dahilan ng pagpapaiwan ninyo sa paglalakbay kasama sa kanya, bagkus nagpalagay kayo na ang Sugo at ang mga Kasamahan niya ay mapapahamak nang lahatan at hindi makababalik sa mga mag-anak nila sa Madīnah. Pinaganda iyon ng demonyo sa mga puso ninyo. Nagpalagay kayo ng isang masagwang pagpapalagay sa Panginoon ninyo na Siya ay hindi mag-aadya sa Propeta Niya. Kayo ay naging mga taong napahamak dahilan sa ipinangahas ninyo na pagpapalagay ng kasagwaan kay Allāh at pagpapaiwan palayo sa Sugo Niya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba