Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Magsasabi ang mga pinaiwan kapag lumisan kayo patungo sa mga samsam upang kumuha ng mga iyon: “Magpaubaya kayo sa amin, susunod kami sa inyo.” Nagnanais sila na magpalit ng Pananalita ni Allāh. Sabihin mo: “Hindi kayo susunod sa amin; gayon nagsabi si Allāh bago pa niyan.” Kaya magsasabi sila: “Bagkus naiinggit kayo sa amin.” Bagkus sila noon ay hindi nakauunawa kundi ng kaunti. (15)
Tafsīr
Magsasabi ang mga pinaiwan ni Allāh kapag lumisan kayo, O mga mananampalataya, patungo sa mga samsam ng digmaan sa Khaybar na ipinangako sa inyo ni Allāh matapos ng Pakikipagpayapaan sa Ḥudaybīyah upang kumuha ng mga iyon: "Pabayaan ninyo kami na humayo kasama sa inyo para sa isang bahagi mula roon." Nagnanais ang mga pinaiwan na ito na magpalit sa pamamagitan ng hiling nilang ito sa ipinangako ni Allāh na ipinangako Niya sa mga mananampalataya, matapos ng Pakikipagpayapaan sa Ḥudaybīyah, na magbigay sa kanila lamang ng mga samsam ng digmaan sa Khaybar. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi kayo susunod sa amin patungo sa mga samsam na iyon sapagkat nangako nga sa amin si Allāh na ang mga samsam ng digmaan sa Khaybar ay natatangi sa sinumang nakadalo sa Ḥudaybīyah. Kaya magsasabi sila: "Ang pagpipigil ninyo sa amin sa pagsunod sa inyo patungo sa Khaybar ay hindi isang kautusan mula kay Allāh; bagkus dahilan sa inggit ninyo sa amin." Ang usapin ay hindi gaya ng inangkin ng mga pinaiwan na ito. Bagkus sila ay hindi nakauunawa sa mga ipinag-uutos ni Allāh at mga sinasaway Niya kundi kaunti. Dahil doon, nasadlak sila sa pagsuway sa Kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: