Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo sa mga pinaiwan kabilang sa mga Arabeng disyerto: “Aanyayahan kayo [para makipaglaban] tungo sa mga taong may matinding kapangyarihan. Makikipaglaban kayo sa kanila o magpapasakop sila. Kaya kung tatalima kayo ay magbibigay sa inyo si Allāh ng isang pabuyang maganda [sa Paraiso]. Kung tatalikod kayo kung paanong tumalikod kayo bago pa niyan, pagdurusahin Niya kayo ng isang pagdurusang masakit.” (16)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagpaiwan kabilang sa mga Arabeng disyerto sa paglalakbay kasama sa iyo patungong Makkah habang sumusubok sa kanila: "Aanyayahan kayo tungo sa pakikipaglaban sa mga taong may malakas na kapangyarihan sa pakikipaglaban. Makikipaglaban kayo sa kanila sa landas ni Allāh o papasok sila sa Islām nang walang pakikipaglaban. Kaya kung tatalima kayo kay Allāh sa ipinaanyaya Niya sa inyo na pakikipaglaban sa kanila, magbibigay Siya sa inyo ng isang pabuyang maganda, ang Paraiso. Kung tatalikod kayo sa pagtalima sa kanya gaya ng pagtalikod ninyo rito nang nagpaiwan kayo sa paglalakbay kasama sa Propeta patungong Makkah, pagdurusahin Niya kayo ng isang pagdurusang nakasasakit."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: