Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Fatḥ — Talata 16 (Tagalog) — Bidyo

Al-Fatḥ • Talata 16 sa 29 • Tagalog


قُلْ لِلْمُخَلَّفِينَ مِنَ الْأَعْرَابِ سَتُدْعَوْنَ إِلَىٰ قَوْمٍ أُولِي بَأْسٍ شَدِيدٍ تُقَاتِلُونَهُمْ أَوْ يُسْلِمُونَ ۖ فَإِنْ تُطِيعُوا يُؤْتِكُمُ اللَّهُ أَجْرًا حَسَنًا ۖ وَإِنْ تَتَوَلَّوْا كَمَا تَوَلَّيْتُمْ مِنْ قَبْلُ يُعَذِّبْكُمْ عَذَابًا أَلِيمًا 16
Pagsasalin:
Sabihin mo sa mga pinaiwan kabilang sa mga Arabeng disyerto: “Aanyayahan kayo [para makipaglaban] tungo sa mga taong may matinding kapangyarihan. Makikipaglaban kayo sa kanila o magpapasakop sila. Kaya kung tatalima kayo ay magbibigay sa inyo si Allāh ng isang pabuyang maganda [sa Paraiso]. Kung tatalikod kayo kung paanong tumalikod kayo bago pa niyan, pagdurusahin Niya kayo ng isang pagdurusang masakit.” Al-Fatḥ 48:16
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagpaiwan kabilang sa mga Arabeng disyerto sa paglalakbay kasama sa iyo patungong Makkah habang sumusubok sa kanila: "Aanyayahan kayo tungo sa pakikipaglaban sa mga taong may malakas na kapangyarihan sa pakikipaglaban. Makikipaglaban kayo sa kanila sa landas ni Allāh o papasok sila sa Islām nang walang pakikipaglaban. Kaya kung tatalima kayo kay Allāh sa ipinaanyaya Niya sa inyo na pakikipaglaban sa kanila, magbibigay Siya sa inyo ng isang pabuyang maganda, ang Paraiso. Kung tatalikod kayo sa pagtalima sa kanya gaya ng pagtalikod ninyo rito nang nagpaiwan kayo sa paglalakbay kasama sa Propeta patungong Makkah, pagdurusahin Niya kayo ng isang pagdurusang nakasasakit."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Fatḥ • Talata 15 Susunod Al-Fatḥ • Talata 17