Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Fatḥ — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

Al-Fatḥ • Talata 17 sa 29 • Tagalog


لَيْسَ عَلَى الْأَعْمَىٰ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْأَعْرَجِ حَرَجٌ وَلَا عَلَى الْمَرِيضِ حَرَجٌ ۗ وَمَنْ يُطِعِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ يُدْخِلْهُ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ وَمَنْ يَتَوَلَّ يُعَذِّبْهُ عَذَابًا أَلِيمًا 17
Pagsasalin:
Walang maisisisi sa bulag, walang maisisisi sa pilay, at walang maisisisi sa may-sakit [na magpaiwan]. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog. Ang sinumang tumalikod ay pagdurusahin Niya ito ng isang pagdurusang masakit. Al-Fatḥ 48:17
Tafsīr:
Hindi kasalanan sa nabigyang-dahilan dahilan sa pagkabulag o pagkapilay o pagkakasakit kapag nagpaiwan ito sa pakikipaglaban sa landas ni Allāh. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at tumatalima sa Sugo Niya ay magpapapasok Siya rito sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito. Ang sinumang umaayaw sa pagtalima sa kanilang dalawa (si Allāh at ang Sugo) ay pagdurusahin ni Allāh ito ng isang pagdurusang nakasasakit.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Fatḥ • Talata 16 Susunod Al-Fatḥ • Talata 18