Surah Al-Fatḥ (Ang Tagumpay — الفتح) (Talata 24)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




48 Al-Fatḥ(الفتح), Talata 24

وَهُوَ الَّذِي كَفَّ أَيْدِيَهُمْ عَنْكُمْ وَأَيْدِيَكُمْ عَنْهُمْ بِبَطْنِ مَكَّةَ مِنْ بَعْدِ أَنْ أَظْفَرَكُمْ عَلَيْهِمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرًا 24 ٢٤

Siya ay ang pumigil sa mga kamay nila laban sa inyo at sa mga kamay ninyo laban sa kanila sa lambak ng [Ḥudaybīyah malapit sa] Makkah matapos na nagpanalo Siya sa inyo laban sa kanila [na sumalakay sa inyo papunta sa Makkah]. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ay Nakakikita. (24)

Tafsīr
Siya ay ang humadlang sa mga kamay ng mga tagapagtambal laban sa inyo nang dumating ang mga walumpung lalaki kabilang sa kanila na nagnanais ng pagdudulot ng kasagwaan sa inyo sa Ḥudaybīyah at pumigil Siya sa mga kamay ninyo laban sa kanila kaya hindi ninyo sila pinatay at hindi ninyo sila sinaktan, bagkus nagdulot kayo ng kalayaan nila matapos na ipinakaya Niya sa inyo ang pagbihag sa kanila. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba