Siya ay ang pumigil sa mga kamay nila laban sa inyo at sa mga kamay ninyo laban sa kanila sa lambak ng [Ḥudaybīyah malapit sa] Makkah matapos na nagpanalo Siya sa inyo laban sa kanila [na sumalakay sa inyo papunta sa Makkah]. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ay Nakakikita. Al-Fatḥ 48:24 ⧉
Tafsīr:
Siya ay ang humadlang sa mga kamay ng mga tagapagtambal laban sa inyo nang dumating ang mga walumpung lalaki kabilang sa kanila na nagnanais ng pagdudulot ng kasagwaan sa inyo sa Ḥudaybīyah at pumigil Siya sa mga kamay ninyo laban sa kanila kaya hindi ninyo sila pinatay at hindi ninyo sila sinaktan, bagkus nagdulot kayo ng kalayaan nila matapos na ipinakaya Niya sa inyo ang pagbihag sa kanila. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman.