[Nagsakalakaran] ng kalakaran ni Allāh na nagdaan na bago pa niyan at hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh ng isang pagpapalit. Al-Fatḥ 48:23 ⧉
Tafsīr:
Ang pananaig ng mga mananampalataya at ang pagkatalo ng mga tagatangging sumampalataya ay nagaganap sa bawat panahon at lugar sapagkat ito ay kalakaran ni Allāh sa mga kalipunang nakalipas bago ng mga tagapagpasinungaling na ito. Hindi ka makatatagpo, O Sugo, para sa kalakaran ni Allāh ng isang pagpapalit.