Kung sakaling kumalaban sa inyo ang mga tumangging sumampalataya ay talaga sanang nagbaling sila ng mga likod, pagkatapos hindi sila nakatatagpo ng isang katangkilik ni isang mapag-adya. Al-Fatḥ 48:22 ⧉
Tafsīr:
Kung sakaling kumalaban sa inyo, O mga mananampalataya, ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay talaga sanang bumaling sila na mga tumatakas na mga natatalo sa harapan ninyo, pagkatapos hindi sila nakatatagpo ng isang katangkilik na tatangkilik sa nauukol sa kanila at hindi sila nakatatagpo ng isang mapag-adya na mag-aadya sa kanila sa pakikipaglaban ninyo.