May iba pa [na mga pagwawaging ipinangako] na hindi kayo nakakaya sa mga iyon, na pumaligid si Allāh sa mga iyon. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. Al-Fatḥ 48:21 ⧉
Tafsīr:
Nangako sa inyo si Allāh ng mga iba pang samsam na hindi kayo nakakaya sa mga iyon sa oras na ito; si Allāh lamang ay ang Nakakakaya sa mga iyon. Ang mga ito ay nasa kaalaman Niya at pangangasiwa Niya. Laging si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan; hindi Siya napanghihina ng anuman.