Surah Al-Fatḥ (Ang Tagumpay — الفتح) (Talata 28)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




48 Al-Fatḥ(الفتح), Talata 28

هُوَ الَّذِي أَرْسَلَ رَسُولَهُ بِالْهُدَىٰ وَدِينِ الْحَقِّ لِيُظْهِرَهُ عَلَى الدِّينِ كُلِّهِ ۚ وَكَفَىٰ بِاللَّهِ شَهِيدًا 28 ٢٨

Siya ay ang nagsugo sa Sugo Niya [na si Muḥammad] kalakip ng patnubay at Relihiyon ng Katotohanan upang magpangibabaw Siya nito sa [ibang] relihiyon sa kabuuan nito. Nakasapat si Allāh bilang Saksi. (28)

Tafsīr
Si Allāh ay ang nagsugo sa Sugo Niyang si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – kalakip ng paglilinaw na maliwanag at Relihiyon ng Katotohanan na siyang ang Islām upang magpataas Siya nito sa mga relihiyong sumasalungat dito sa kabuuan ng mga ito. Sumaksi nga si Allāh doon. Nakasapat si Allāh bilang Tagasaksi.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba