Surah Al-Fatḥ (Ang Tagumpay — الفتح) (Talata 4)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




48 Al-Fatḥ(الفتح), Talata 4

هُوَ الَّذِي أَنْزَلَ السَّكِينَةَ فِي قُلُوبِ الْمُؤْمِنِينَ لِيَزْدَادُوا إِيمَانًا مَعَ إِيمَانِهِمْ ۗ وَلِلَّهِ جُنُودُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا 4 ٤

Siya ay ang nagpababa ng katahimikan sa mga puso ng mga mananampalataya upang madagdagan sila [sa kasalukuyan] ng pananampalataya kasama sa pananampalataya nila. Sa kay Allāh ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong. (4)

Tafsīr
Siya ang nagpababa ng katatagan at kapanatagan sa mga puso ng mga mananampalataya upang madagdagan sila ng pananampalataya sa dating pananampalataya nila. Sa kay Allāh lamang ang mga kawal ng mga langit at lupa. Nag-aalalay Siya sa pamamagitan ng mga ito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Laging si Allāh ay Maalam sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya, Marunong sa pinangyayari Niya na pag-aadya at pag-aalalay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba