Siya ay ang nagpababa ng katahimikan sa mga puso ng mga mananampalataya upang madagdagan sila [sa kasalukuyan] ng pananampalataya kasama sa pananampalataya nila. Sa kay Allāh ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Maalam, Marunong. Al-Fatḥ 48:4 ⧉
Tafsīr:
Siya ang nagpababa ng katatagan at kapanatagan sa mga puso ng mga mananampalataya upang madagdagan sila ng pananampalataya sa dating pananampalataya nila. Sa kay Allāh lamang ang mga kawal ng mga langit at lupa. Nag-aalalay Siya sa pamamagitan ng mga ito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Laging si Allāh ay Maalam sa mga kapakanan ng mga lingkod Niya, Marunong sa pinangyayari Niya na pag-aadya at pag-aalalay.