Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Fatḥ — Talata 5 (Tagalog) — Bidyo

Al-Fatḥ • Talata 5 sa 29 • Tagalog


لِيُدْخِلَ الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا وَيُكَفِّرَ عَنْهُمْ سَيِّئَاتِهِمْ ۚ وَكَانَ ذَٰلِكَ عِنْدَ اللَّهِ فَوْزًا عَظِيمًا 5
Pagsasalin:
[Ito ay] upang magpapasok Siya sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito, [upang] magtakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila – laging iyon sa ganang kay Allāh ay isang pagkatamong sukdulan – Al-Fatḥ 48:5
Tafsīr:
[Ito ay] upang magpapasok si Allāh sa mga lalaking mananampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya at mga babaing mananampalataya sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at ng mga punong-kahoy ng mga ito at [upang] bumura Siya para sa kanila ng mga masagwang gawa nila para hindi Siya manisi sa kanila dahil sa mga iyon. Laging ang nabanggit na iyon na pagtamo ng hinihiling, ang Paraiso, at pagpapalayo ng pinangingilabutan, ang paninisi dahil sa mga masagwang gawa, sa ganang kay Allāh ay isang pagkatamong sukdulan, na hindi napapantayan ng isang pagkatamo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Fatḥ • Talata 4 Susunod Al-Fatḥ • Talata 6