Surah Al-Fatḥ (Ang Tagumpay — الفتح) (Talata 6)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




48 Al-Fatḥ(الفتح), Talata 6

وَيُعَذِّبَ الْمُنَافِقِينَ وَالْمُنَافِقَاتِ وَالْمُشْرِكِينَ وَالْمُشْرِكَاتِ الظَّانِّينَ بِاللَّهِ ظَنَّ السَّوْءِ ۚ عَلَيْهِمْ دَائِرَةُ السَّوْءِ ۖ وَغَضِبَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ وَلَعَنَهُمْ وَأَعَدَّ لَهُمْ جَهَنَّمَ ۖ وَسَاءَتْ مَصِيرًا 6 ٦

at [upang] pagdusahin Niya ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw, at ang mga lalaking tagapagtambal at ang mga babaing tagapagtambal, na mga nagpapalagay kay Allāh ng pagpapalagay ng kasagwaan. Sumakanila ang pananalanta ng kasagwaan! Nagalit si Allāh sa kanila, sumumpa Siya sa kanila, at naghanda Siya para sa kanila ng Impiyerno. Kay saklap iyon bilang kahahantungan! (6)

Tafsīr
[Upang] pagdusahin Niya ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw, at pagdusahin Niya ang mga lalaking tagapagtambal kay Allāh at ang mga babaing tagapagtambal, na mga nagpapalagay kay Allāh na Siya ay hindi mag-aadya sa Relihiyon Niya at hindi nagtataas sa salita Niya. Kaya bumalik sa kanila ang pananalanta ng pagdurusa. Nagalit si Allāh sa kanila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapalagay nilang masagwa. Nagtaboy Siya sa kanila mula sa awa Niya. Naghanda Siya para sa kanila sa Kabilang-buhay ng Impiyerno na papasukin nila bilang mga mananatili roon magpakailanman. Kay saklap ang Impiyerno bilang kahahantungang uuwian nila!

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba