Surah Al-Ḥujurāt (Ang mga Silid — الحجرات) (Talata 11)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, huwag manuya ang ilang lalaki sa ilang lalaki: baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti kaysa sa kanila [na nanunuya]; at huwag [manuya] ang ilang babae sa ilang babae: baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti sa kanila [na nanunuya]. Huwag kayong manuligsa sa isa’t isa sa inyo at huwag kayong magtawagan ng mga [masamang] taguri. Kay saklap bilang pangalan ang kasuwailan matapos ng pananampalataya [sa Islām]. Ang sinumang hindi nagbalik-loob, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan. (11)
Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, huwag mangutya ang ilang lalaki kabilang sa inyo sa ilang lalaki; baka ang mga kinukutya ay higit na mabuti sa ganang kay Allāh. Ang isinasaalang-alang ay ayon sa ganang kay Allāh. Huwag mangutya ang ilang babae sa ilang babae; baka ang mga kinukutya ay higit na mabuti sa ganang kay Allāh. Huwag kayong mamintas sa mga kapatid ninyo sapagkat sila ay nasa kalagayan ng mga sarili ninyo. Huwag manukso ang iba sa inyo sa iba pa sa pamamagitan ng isang taguring kasusuklaman nito, gaya ng kalagayan ng ilan sa Anṣār bago ng pagdating ng Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang sinumang gumawa niyon kabilang sa inyo, siya ay isang suwail. Kay saklap bilang katangian ang katangian ng kasuwailan matapos ng pananampalataya. Ang sinumang hindi nagbalik-loob mula sa mga pagsuway na ito, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa ginawa nila na mga pagsuway.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: