Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 100)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 100

قُلْ لَا يَسْتَوِي الْخَبِيثُ وَالطَّيِّبُ وَلَوْ أَعْجَبَكَ كَثْرَةُ الْخَبِيثِ ۚ فَاتَّقُوا اللَّهَ يَا أُولِي الْأَلْبَابِ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ 100 ١٠٠

Sabihin mo: “Hindi nagkakapantay ang karima-rimarim at ang kaaya-aya, kahit pa man nagpahanga sa iyo ang dami ng karima-rimarim.” Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga may isip, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay. (100)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Hindi pumapantay ang karima-rimarim mula sa bawat bagay sa kaaya-aya mula sa bawat bagay, kahit pa man nagpahanga sa iyo ang dami ng karima-rimarim sapagkat tunay na ang dami nito ay hindi nagpapatunay sa kainaman nito." Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga may mga pang-unawa, sa pamamagitan ng pag-iwan sa karima-rimarim at ng paggawa ng kaaya-aya, nang sa gayon kayo ay magtatamo ng Paraiso.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba