Sabihin mo: “Hindi nagkakapantay ang karima-rimarim at ang kaaya-aya, kahit pa man nagpahanga sa iyo ang dami ng karima-rimarim.” Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga may isip, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay. Al-Mā’idah 5:100 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Hindi pumapantay ang karima-rimarim mula sa bawat bagay sa kaaya-aya mula sa bawat bagay, kahit pa man nagpahanga sa iyo ang dami ng karima-rimarim sapagkat tunay na ang dami nito ay hindi nagpapatunay sa kainaman nito." Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga may mga pang-unawa, sa pamamagitan ng pag-iwan sa karima-rimarim at ng paggawa ng kaaya-aya, nang sa gayon kayo ay magtatamo ng Paraiso.