Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 101 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 101 sa 120 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَسْأَلُوا عَنْ أَشْيَاءَ إِنْ تُبْدَ لَكُمْ تَسُؤْكُمْ وَإِنْ تَسْأَلُوا عَنْهَا حِينَ يُنَزَّلُ الْقُرْآنُ تُبْدَ لَكُمْ عَفَا اللَّهُ عَنْهَا ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ حَلِيمٌ 101
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, huwag kayong magtanong tungkol sa mga bagay na kung ihahayag ang mga ito sa inyo ay magpapasama ng loob sa inyo ang mga ito. Kung magtatanong kayo tungkol sa mga ito sa sandaling ibinababa ang Qur’ān ay ihahayag ang mga ito sa inyo. Nagpaumanhin si Allāh sa mga [bagay na] ito. Si Allāh ay Mapagpatawad, Matimpiin. Al-Mā’idah 5:101
Tafsīr:
O mga sumampalataya, huwag kayong magtanong sa Sugo ninyo tungkol sa mga bagay na walang pangangailangan para sa inyo sa mga ito at hindi kabilang sa nakatutulong sa inyo sa nauukol sa relihiyon ninyo. Kung ilalantad ang mga ito sa inyo ay magpapasama ng loob ninyo ang mga ito dahil sa taglay ng mga ito na hirap. Kung magtatanong kayo tungkol sa mga bagay na ito, na sinaway kayo sa pagtatanong tungkol sa mga ito sa sandaling bumababa ang pagkakasi sa Sugo, ay pinaglilinaw ang mga ito sa inyo. Iyon kay Allāh ay madali. Nagpalampas nga si Allāh sa mga bagay na nanahimik tungkol sa mga ito ang Qur'ān kaya huwag kayong magtanong tungkol sa mga ito sapagkat tunay na kayo, kung nagtanong kayo tungkol sa mga ito, ay bababaan ng pag-aatang sa kahatulan ng mga ito. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya kapag nagbalik-loob sila, Matimpiin sa pagpaparusa sa kanila dahil sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 100 Susunod Al-Mā’idah • Talata 102