Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 107)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 107

فَإِنْ عُثِرَ عَلَىٰ أَنَّهُمَا اسْتَحَقَّا إِثْمًا فَآخَرَانِ يَقُومَانِ مَقَامَهُمَا مِنَ الَّذِينَ اسْتَحَقَّ عَلَيْهِمُ الْأَوْلَيَانِ فَيُقْسِمَانِ بِاللَّهِ لَشَهَادَتُنَا أَحَقُّ مِنْ شَهَادَتِهِمَا وَمَا اعْتَدَيْنَا إِنَّا إِذًا لَمِنَ الظَّالِمِينَ 107 ١٠٧

Ngunit kung natuklasan na silang dalawang ay naging karapat-dapat sa isang kasalanan [ng sinungaling na panunumpa], may dalawang ibang tatayo sa katayuan nilang dalawa, na dalawang pinakamalapit na kaanak kabilang sa mga naging karapat-dapat [sa pagmamana], saka manunumpa ang dalawang ito kay Allāh: “Talagang ang pagsasaksi namin ay higit na totoo kaysa sa pagsasaksi nilang dalawa at hindi kami lumabag; tunay na kami, samakatuwid, ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.” (107)

Tafsīr
Ngunit kung luminaw, matapos ng pagpapanumpa, ang kasinungalingan nilang dalawa sa pagsasaksi o panunumpa, o lumitaw ang kataksilan nilang dalawa, pasasaksihin o panunumpain ang dalawang iba pang tatayo sa katayuan nilang dalawa kabilang sa pinakamalapit na mga tao sa namatay kung ano ang totoo. Susumpa ang dalawang ito kay Allāh [ng ganito]: "Talagang ang pagsasaksi namin sa kasinungalingan nilang dalawa at kataksilan nilang dalawa ay higit na totoo kaya sa pagsasaksi nilang dalawa sa katapatan nilang dalawa at pagkamapagkakatiwalaan nilang dalawa. Hindi kami sumumpa ng kabulaanan. Tunay na kami, kung sumaksi kami sa kabulaanan, ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan, na mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba