Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 107 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 107 sa 120 • Tagalog


فَإِنْ عُثِرَ عَلَىٰ أَنَّهُمَا اسْتَحَقَّا إِثْمًا فَآخَرَانِ يَقُومَانِ مَقَامَهُمَا مِنَ الَّذِينَ اسْتَحَقَّ عَلَيْهِمُ الْأَوْلَيَانِ فَيُقْسِمَانِ بِاللَّهِ لَشَهَادَتُنَا أَحَقُّ مِنْ شَهَادَتِهِمَا وَمَا اعْتَدَيْنَا إِنَّا إِذًا لَمِنَ الظَّالِمِينَ 107
Pagsasalin:
Ngunit kung natuklasan na silang dalawang ay naging karapat-dapat sa isang kasalanan [ng sinungaling na panunumpa], may dalawang ibang tatayo sa katayuan nilang dalawa, na dalawang pinakamalapit na kaanak kabilang sa mga naging karapat-dapat [sa pagmamana], saka manunumpa ang dalawang ito kay Allāh: “Talagang ang pagsasaksi namin ay higit na totoo kaysa sa pagsasaksi nilang dalawa at hindi kami lumabag; tunay na kami, samakatuwid, ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan.” Al-Mā’idah 5:107
Tafsīr:
Ngunit kung luminaw, matapos ng pagpapanumpa, ang kasinungalingan nilang dalawa sa pagsasaksi o panunumpa, o lumitaw ang kataksilan nilang dalawa, pasasaksihin o panunumpain ang dalawang iba pang tatayo sa katayuan nilang dalawa kabilang sa pinakamalapit na mga tao sa namatay kung ano ang totoo. Susumpa ang dalawang ito kay Allāh [ng ganito]: "Talagang ang pagsasaksi namin sa kasinungalingan nilang dalawa at kataksilan nilang dalawa ay higit na totoo kaya sa pagsasaksi nilang dalawa sa katapatan nilang dalawa at pagkamapagkakatiwalaan nilang dalawa. Hindi kami sumumpa ng kabulaanan. Tunay na kami, kung sumaksi kami sa kabulaanan, ay talagang kabilang sa mga tagalabag sa katarungan, na mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 106 Susunod Al-Mā’idah • Talata 108