Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 106 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 106 sa 120 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا شَهَادَةُ بَيْنِكُمْ إِذَا حَضَرَ أَحَدَكُمُ الْمَوْتُ حِينَ الْوَصِيَّةِ اثْنَانِ ذَوَا عَدْلٍ مِنْكُمْ أَوْ آخَرَانِ مِنْ غَيْرِكُمْ إِنْ أَنْتُمْ ضَرَبْتُمْ فِي الْأَرْضِ فَأَصَابَتْكُمْ مُصِيبَةُ الْمَوْتِ ۚ تَحْبِسُونَهُمَا مِنْ بَعْدِ الصَّلَاةِ فَيُقْسِمَانِ بِاللَّهِ إِنِ ارْتَبْتُمْ لَا نَشْتَرِي بِهِ ثَمَنًا وَلَوْ كَانَ ذَا قُرْبَىٰ ۙ وَلَا نَكْتُمُ شَهَادَةَ اللَّهِ إِنَّا إِذًا لَمِنَ الْآثِمِينَ 106
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, ang pagsasaksi sa pagitan ninyo kapag dumalo sa isa sa inyo ang kamatayan sa sandali ng tagubilin ay [gagawin ng] dalawang may katarungan kabilang sa inyo o dalawang iba pa kabilang sa iba sa inyo kung kayo ay naglakbay sa lupain at tumama sa inyo ang pagtama ng kamatayan. Pipigil kayo sa kanilang dalawa matapos na ng pagdarasal at manunumpa silang dalawa kay Allāh, kung nag-aalinlangan kayo, [na nagsasabi]: “Hindi kami magbebenta nitong [panunumpa] sa isang halaga, kahit pa man iyon ay isang may pagkakamag-anak, at hindi kami magtatago ng pagsasaksi kay Allāh; tunay na kami, kung gayon, ay talagang kabilang sa mga nagkakasala.” Al-Mā’idah 5:106
Tafsīr:
O mga sumampalataya, kapag nalapit ang kamatayan ng isa sa inyo dahil sa paglitaw ng isa sa mga palatandaan ng kamatayan ay magpasaksi siya sa tagubilin niya sa dalawang makatarungan kabilang sa mga Muslim o sa dalawang lalaki kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sa sandali ng pangangailangan dahil sa kawalan ng iba pa sa dalawang ito kabilang sa mga Muslim, kung naglakbay kayo at bumaba sa inyo ang kamatayan. Kung nangyari ang pag-aalinlangan sa pagsaksi nilang dalawa ay magpatigil kayo sa kanilang dalawa matapos ng isa sa mga pagdarasal. Kaya manunumpa silang dalawa kay Allāh na hindi silang dalawa magbebenta ng bahagi nilang dalawa mula kay Allāh kapalit ng isang panumbas; hindi silang dalawa papanig sa isang kaanak; hindi silang dalawa magkukubli ng isang pagsasaksi para kay Allāh sa ganang kanilang dalawa; at na silang dalawa, kung gumawa dalawa niyon, ay magiging kabilang sa mga nagkakasalang sumusuway kay Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 105 Susunod Al-Mā’idah • Talata 107