Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 105 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 105 sa 120 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا عَلَيْكُمْ أَنْفُسَكُمْ ۖ لَا يَضُرُّكُمْ مَنْ ضَلَّ إِذَا اهْتَدَيْتُمْ ۚ إِلَى اللَّهِ مَرْجِعُكُمْ جَمِيعًا فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ 105
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kapag napatnubayan kayo. Tungo kay Allāh ang babalikan ninyo nang lahatan saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa. Al-Mā’idah 5:105
Tafsīr:
O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo kaya obligahin ninyo ang mga ito ng pagsasagawa ng anumang nagpapabuti sa mga ito. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kabilang sa mga tao at hindi tumugon sa inyo kapag napatnubayan kayo mismo. Bahagi ng pagkapatnubay ninyo ang pag-uutos ninyo sa nakabubuti at ang pagsaway ninyo sa nakasasama. Tungo kay Allāh lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon, saka magpapabatid Siya sa inyo ng anumang dati ninyo ginagawa sa Mundo at gaganti Siya sa inyo roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 104 Susunod Al-Mā’idah • Talata 106