Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 104 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 104 sa 120 • Tagalog


وَإِذَا قِيلَ لَهُمْ تَعَالَوْا إِلَىٰ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ وَإِلَى الرَّسُولِ قَالُوا حَسْبُنَا مَا وَجَدْنَا عَلَيْهِ آبَاءَنَا ۚ أَوَلَوْ كَانَ آبَاؤُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ شَيْئًا وَلَا يَهْتَدُونَ 104
Pagsasalin:
Kapag sinabi sa kanila: “Halikayo sa pinababa ni Allāh at sa Sugo” ay nagsasabi sila: “Kasapatan sa amin ang natagpuan namin sa mga magulang namin.” Kahit ba noon ang mga magulang nila ay hindi nakaaalam ng anuman at hindi napapatnubayan? Al-Mā’idah 5:104
Tafsīr:
Kapag sinabi sa mga gumawa-gawang ito laban kay Allāh ng kasinungalingan ng pagbabawal sa ilan sa mga hayupan: "Halikayo sa pinababa ni Allāh na Qur'ān at sa Sunnah ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – upang makakilala kayo sa ipinahihintulot sa ipinagbabawal" ay nagsasabi naman sila: "Nakasasapat sa amin ang nakuha namin at minana namin buhat sa mga ninuno namin na mga paniniwala, mga sinasabi, at mga ginagawa." Papaanong nakasasapat sa kanila iyon samantalang noon nga ang mga ninuno nila ay hindi nakaaalam ng anuman at hindi napapatnubayan sa katotohanan? Kaya naman walang sumusunod sa kanila kundi ang sinumang higit na mangmang kaysa sa kanila at higit na ligaw sa landas sapagkat sila ay mga mangmang na ligaw.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 103 Susunod Al-Mā’idah • Talata 105