Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi si Jesus na anak ni Maria: “O Allāh, Panginoon namin, magpababa Ka sa amin ng isang hapag mula sa langit, na para sa amin ay magiging isang pagdiriwang para sa una sa amin at huli sa amin at isang tanda mula sa Iyo. Magtustos Ka sa amin, at Ikaw ay pinakamainam sa mga tagatustos.” (114)
Tafsīr
Kaya sumagot si Hesus sa hiling nila at dumalangin Siya kay Allāh, na nagsasabi: "Panginoon namin, magpababa Ka sa amin ng isang hapag ng pagkain, na gagawin namin mula sa araw ng pagbaba nito bilang pagdiriwang na dadakilain namin bilang pasasalamat sa Iyo ng mga buhay kabilang sa amin ngayong araw at ng sinumang darating matapos namin kabilang sa amin, at upang maging isang palatandaan at isang patotoo sa kaisahan Mo at sa katapatan ng ipinadala Mo. Magtustos Ka sa amin ng isang panustos na tutulong sa amin sa pagsamba sa Iyo, at Ikaw, O Panginoon namin, ay pinakamainam sa mga tagatustos."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: