Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 114 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 114 sa 120 • Tagalog


قَالَ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ اللَّهُمَّ رَبَّنَا أَنْزِلْ عَلَيْنَا مَائِدَةً مِنَ السَّمَاءِ تَكُونُ لَنَا عِيدًا لِأَوَّلِنَا وَآخِرِنَا وَآيَةً مِنْكَ ۖ وَارْزُقْنَا وَأَنْتَ خَيْرُ الرَّازِقِينَ 114
Pagsasalin:
Nagsabi si Jesus na anak ni Maria: “O Allāh, Panginoon namin, magpababa Ka sa amin ng isang hapag mula sa langit, na para sa amin ay magiging isang pagdiriwang para sa una sa amin at huli sa amin at isang tanda mula sa Iyo. Magtustos Ka sa amin, at Ikaw ay pinakamainam sa mga tagatustos.” Al-Mā’idah 5:114
Tafsīr:
Kaya sumagot si Hesus sa hiling nila at dumalangin Siya kay Allāh, na nagsasabi: "Panginoon namin, magpababa Ka sa amin ng isang hapag ng pagkain, na gagawin namin mula sa araw ng pagbaba nito bilang pagdiriwang na dadakilain namin bilang pasasalamat sa Iyo ng mga buhay kabilang sa amin ngayong araw at ng sinumang darating matapos namin kabilang sa amin, at upang maging isang palatandaan at isang patotoo sa kaisahan Mo at sa katapatan ng ipinadala Mo. Magtustos Ka sa amin ng isang panustos na tutulong sa amin sa pagsamba sa Iyo, at Ikaw, O Panginoon namin, ay pinakamainam sa mga tagatustos."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 113 Susunod Al-Mā’idah • Talata 115