Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 115 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 115 sa 120 • Tagalog


قَالَ اللَّهُ إِنِّي مُنَزِّلُهَا عَلَيْكُمْ ۖ فَمَنْ يَكْفُرْ بَعْدُ مِنْكُمْ فَإِنِّي أُعَذِّبُهُ عَذَابًا لَا أُعَذِّبُهُ أَحَدًا مِنَ الْعَالَمِينَ 115
Pagsasalin:
Nagsabi si Allāh: “Tunay na Ako ay magbababa nito sa inyo; kaya ang sinumang tatangging sumampalataya matapos niyon kabilang sa inyo, tunay na Ako ay magpaparusa sa kanya ng isang pagdurusang hindi Ako nagpaparusa nito sa isa kabilang sa mga nilalang.” Al-Mā’idah 5:115
Tafsīr:
Kaya tumugon si Allāh sa panalangin ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at nagsabi: "Tunay na Ako ay magbababa ng hapag na ito na hiniling ninyo ang pagpapababa nito sa inyo. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya matapos ng pagpapababa nito ay huwag nga siyang maninisi maliban sa sarili niya sapagkat magpaparusa Ako sa kanya ng isang pagdurusang matinding hindi Ako nagpaparusa nito sa isa man dahil siya ay nakasasaksi sa himalang kahanga-hanga kaya ang kawalang-pananampalataya niya ay naging kawalang-pananampalataya ng pagmamatigas." Nagsasakatuparan si Allāh para sa kanila ng pangako Niya kaya nagpababa Siya nito sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 114 Susunod Al-Mā’idah • Talata 116