Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi ako nagsabi sa kanila maliban ng ipinag-utos Mo sa akin na: Sumamba kayo kay Allāh na Panginoon ko at Panginoon ninyo. Ako noon sa kanila ay isang saksi hanggat nananatili ako sa piling nila; ngunit noong kumuha Ka sa akin, Ikaw ay ang Mapagmasid sa kanila. Ikaw sa bawat bagay ay Saksi. (117)
Tafsīr
Nagsabi si Jesus sa Panginoon niya: "Wala akong sinabi sa mga tao maliban sa ipinag-utos Mo sa akin na magsabi ng ipinag-uutos sa kanila na pagbubukod-tangi sa Iyo sa pagsamba. Ako noon ay mapagmasid sa sinasabi nila sa yugto ng kairalan ko sa gitna nila ngunit noong nagpawakas Ka sa panahon ng pananatili ko sa gitna nila sa pamamagitan ng pag-angat sa akin sa langit nang buhay, Ikaw, O Panginoon ko, ay ang mapag-ingat sa mga gawain nila. Ikaw sa bawat bagay ay Saksi: walang naililingid sa Iyo na anuman kaya hindi nakakukubli sa Iyo ang sinabi ko sa kanila at ang sinabi nila matapos ko.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: