Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 117 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 117 sa 120 • Tagalog


مَا قُلْتُ لَهُمْ إِلَّا مَا أَمَرْتَنِي بِهِ أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمْ ۚ وَكُنْتُ عَلَيْهِمْ شَهِيدًا مَا دُمْتُ فِيهِمْ ۖ فَلَمَّا تَوَفَّيْتَنِي كُنْتَ أَنْتَ الرَّقِيبَ عَلَيْهِمْ ۚ وَأَنْتَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ 117
Pagsasalin:
Hindi ako nagsabi sa kanila maliban ng ipinag-utos Mo sa akin na: Sumamba kayo kay Allāh na Panginoon ko at Panginoon ninyo. Ako noon sa kanila ay isang saksi hanggat nananatili ako sa piling nila; ngunit noong kumuha Ka sa akin, Ikaw ay ang Mapagmasid sa kanila. Ikaw sa bawat bagay ay Saksi. Al-Mā’idah 5:117
Tafsīr:
Nagsabi si Jesus sa Panginoon niya: "Wala akong sinabi sa mga tao maliban sa ipinag-utos Mo sa akin na magsabi ng ipinag-uutos sa kanila na pagbubukod-tangi sa Iyo sa pagsamba. Ako noon ay mapagmasid sa sinasabi nila sa yugto ng kairalan ko sa gitna nila ngunit noong nagpawakas Ka sa panahon ng pananatili ko sa gitna nila sa pamamagitan ng pag-angat sa akin sa langit nang buhay, Ikaw, O Panginoon ko, ay ang mapag-ingat sa mga gawain nila. Ikaw sa bawat bagay ay Saksi: walang naililingid sa Iyo na anuman kaya hindi nakakukubli sa Iyo ang sinabi ko sa kanila at ang sinabi nila matapos ko.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 116 Susunod Al-Mā’idah • Talata 118