Kung magpaparusa Ka sa kanila, tunay na sila ay mga lingkod Mo; at kung magpapatawad Ka sa kanila, tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.” Al-Mā’idah 5:118 ⧉
Tafsīr:
Kung magpaparusa Ka sa kanila, O Panginoon, tunay na sila ay mga lingkod Mo, na nagagawa Mo sa kanila ang niloloob Mo; at kung magmamagandang-loob Ka ng kapatawaran sa sinumang sumampalataya kabilang sa kanila, walang tagapigil sa Iyo roon sapagkat tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan na hindi napapanaigan, ang Marunong sa pangangasiwa Mo."