Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo noong may nagbalak na mga tao na mag-abot laban sa inyo ng mga kamay nila ngunit pumigil Siya sa mga kamay nila palayo sa inyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya. (11)
Tafsīr
O mga sumampalataya, alalahanin ninyo sa pamamagitan ng mga puso ninyo at mga dila ninyo ang ibiniyaya ni Allāh sa inyo na katiwasayan at pagpukol ng pangamba sa mga puso ng mga kaaway ninyo nang naglayon sila na magbuhat ng mga kamay nila sa inyo upang humagupit sila sa inyo at kumitil sila, ngunit nagpabaling sa kanila si Allāh palayo sa inyo at nangalaga sa inyo laban sa kanila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Sa kay Allāh lamang umasa ang mga mananampalataya sa pagtamo ng mga kapakanan nilang pangmundo at pangkabilang-buhay.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: