Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 11 sa 120 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اذْكُرُوا نِعْمَتَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ هَمَّ قَوْمٌ أَنْ يَبْسُطُوا إِلَيْكُمْ أَيْدِيَهُمْ فَكَفَّ أَيْدِيَهُمْ عَنْكُمْ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ 11
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo noong may nagbalak na mga tao na mag-abot laban sa inyo ng mga kamay nila ngunit pumigil Siya sa mga kamay nila palayo sa inyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Kay Allāh ay manalig ang mga mananampalataya. Al-Mā’idah 5:11
Tafsīr:
O mga sumampalataya, alalahanin ninyo sa pamamagitan ng mga puso ninyo at mga dila ninyo ang ibiniyaya ni Allāh sa inyo na katiwasayan at pagpukol ng pangamba sa mga puso ng mga kaaway ninyo nang naglayon sila na magbuhat ng mga kamay nila sa inyo upang humagupit sila sa inyo at kumitil sila, ngunit nagpabaling sa kanila si Allāh palayo sa inyo at nangalaga sa inyo laban sa kanila. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Sa kay Allāh lamang umasa ang mga mananampalataya sa pagtamo ng mga kapakanan nilang pangmundo at pangkabilang-buhay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 10 Susunod Al-Mā’idah • Talata 12