Ang mga tumangging sumampalataya at nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay ang mga iyon ang mga maninirahan sa Impiyerno. Al-Mā’idah 5:10 ⧉
Tafsīr:
Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga tanda Niya, ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy na papasukin nila bilang kaparusahan sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapasinungaling nila, bilang mga mamamalagi roon gaya ng pamamalagi ng kasamahan sa kasamahan niya.