Nangako si Allāh sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos na ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang pabuyang sukdulan [sa Paraiso]. Al-Mā’idah 5:9 ⧉
Tafsīr:
Nangako si Allāh – na hindi sumisira sa pangako – sa mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya at gumawa ng mga maayos ng kapatawaran sa mga pagkakasala nila ng gantimpalang sukdulan, ang pagpasok sa Paraiso.