Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 8 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 8 sa 120 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُونُوا قَوَّامِينَ لِلَّهِ شُهَدَاءَ بِالْقِسْطِ ۖ وَلَا يَجْرِمَنَّكُمْ شَنَآنُ قَوْمٍ عَلَىٰ أَلَّا تَعْدِلُوا ۚ اعْدِلُوا هُوَ أَقْرَبُ لِلتَّقْوَىٰ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۚ إِنَّ اللَّهَ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ 8
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, kayo ay maging mga mapagpanatili para kay Allāh, mga saksi sa pagkamakatarungan. Huwag ngang mag-udyok sa inyo ang pagkasuklam sa ilang tao upang hindi kayo magmakatarungan. Magmakatarungan kayo; ito ay pinakamalapit sa pangingilag magkasala. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo. Al-Mā’idah 5:8
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, kayo ay maging mga mapagpanatili sa mga karapatan ni Allāh sa inyo bilang mga naghahangad dahil niyon ng kaluguran ng mukha Niya, at kayo ay maging mga saksi sa katarungan hindi sa pang-aapi. Huwag ngang mag-uudyok sa inyo ang pagkamuhi sa ilang tao sa pag-iwan sa katarungan sapagkat ang katarungan ay hinihiling sa kaibigan at kaaway. Kaya magmakatarungan kayo sa kanilang dalawa sapagkat ang katarungan ay higit na malapit sa pangamba kay Allāh at ang pang-aapi ay higit na malapit sa kapusukan laban sa Kanya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawa ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 7 Susunod Al-Mā’idah • Talata 9