Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 1)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 1

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَوْفُوا بِالْعُقُودِ ۚ أُحِلَّتْ لَكُمْ بَهِيمَةُ الْأَنْعَامِ إِلَّا مَا يُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ غَيْرَ مُحِلِّي الصَّيْدِ وَأَنْتُمْ حُرُمٌ ۗ إِنَّ اللَّهَ يَحْكُمُ مَا يُرِيدُ 1 ١

O mga sumampalataya, magpatupad kayo sa mga kontrata. Ipinahintulot para sa inyo ang hayop ng mga hayupan maliban sa bibigkasin pa sa inyo [dito sa Qur’ān], habang hindi naman mga napahihintulutan ng pangangaso samantalang kayo ay mga nasa iḥrām. Tunay na si Allāh ay naghahatol ng ninanais Niya. (1)

Tafsīr
O mga sumampalataya, lumubos kayo sa lahat ng mga kasunduang pinagtibay sa pagitan ninyo at ng Tagalikha ninyo at sa pagitan ninyo at ng nilikha Niya. Nagpahintulot nga si Allāh para sa inyo – bilang awa sa inyo – ng hayop ng mga panghayupan (mga kamelyo, mga baka, at mga tupa) maliban sa anumang bibigkasin sa inyo ang pagbabawal niyon at maliban sa ipinagbawal sa inyo na pangangaso sa kati habang nasa kalagayan ng iḥrām sa ḥajj o `umrah. Tunay na si Allāh ay naghahatol ng ninanais Niya na pagpapahintulot at pagbabawal ayon sa karunungan Niya sapagkat walang nakapipilit sa Kanya at walang nakatututol sa kahatulan Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba