Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: “O mga kalipi ko, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo noong gumawa Siya sa inyo ng mga propeta, gumawa sa inyo na mga hari, at nagbigay sa inyo ng hindi Niya ibinigay sa isa man mula sa mga nilalang. (20)
Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Moises sa mga kalipi niyang mga anak ni Israel: "O mga kalipi, alalahanin ninyo sa pamamagitan ng mga puso ninyo at mga dila ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo nang gumawa Siya sa inyo ng mga propeta na nag-aanyaya sa inyo tungo sa patnubay, gumawa Siya sa inyo na mga haring naghahari kayo sa nauukol sa mga sarili ninyo matapos na kayo noon ay mga pinagmamay-aring inaalipin, at nagbigay Siya sa inyo mula sa mga biyaya Niya, na hindi Niya ibinigay sa isa man kabilang sa mga nilalang sa panahon ninyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: