Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 31)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 31

فَبَعَثَ اللَّهُ غُرَابًا يَبْحَثُ فِي الْأَرْضِ لِيُرِيَهُ كَيْفَ يُوَارِي سَوْءَةَ أَخِيهِ ۚ قَالَ يَا وَيْلَتَا أَعَجَزْتُ أَنْ أَكُونَ مِثْلَ هَٰذَا الْغُرَابِ فَأُوَارِيَ سَوْءَةَ أَخِي ۖ فَأَصْبَحَ مِنَ النَّادِمِينَ 31 ٣١

Kaya nagpadala si Allāh ng isang uwak na kakahig sa lupa upang magpakita ito sa kanya kung papaanong magkukubli ng bangkay ng kapatid niya. Nagsabi siya: “O kapighatian sa akin, pinanghinaan ako na maging tulad ng uwak na ito para magkubli ako ng bangkay ng kapatid ko.” Kaya siya ay naging kabilang sa mga nagsisisi. (31)

Tafsīr
Kaya nagsugo si Allāh ng isang uwak na bubungkal sa lupa sa harapan ni Cain upang maglibing ito roon ng isang patay na uwak upang magturo ito sa kanya kung papaanong magtatakip ng katawan ng kapatid niya. Nagsabi ang pumatay sa kapatid niya nang sandaling iyon: "O kapighatian, pinanghina ako na ako ay maging tulad ng uwak na ito na nagkubli sa ibang uwak na patay para magkubli ako sa bangkay ng kapatid ko." Kaya nagkubli siya nito saka siya ay naging kabilang sa mga nanghihinayang.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba