Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 36)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 36

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْ أَنَّ لَهُمْ مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا وَمِثْلَهُ مَعَهُ لِيَفْتَدُوا بِهِ مِنْ عَذَابِ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَا تُقُبِّلَ مِنْهُمْ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ 36 ٣٦

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya, kung sakaling sa kanila ang anumang nasa lupa nang lahatan at ang tulad nito kasama rito upang matubos sila sa pamamagitan niyon mula sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay hindi iyon matatanggap mula sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. (36)

Tafsīr
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, kung sakaling itinakda na taglay ng bawat isa sa kanila ang pagmamay-ari sa anumang nasa lupa sa kalahatan at tulad nito kasama nito saka naghandog sila nito upang magpawala sila sa mga sarili nila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon, hindi tatanggapin mula sa kanila ang pantubos na iyon. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba