Surah Al-Mā’idah (Ang Hapag Kainan — المائدة) (Talata 40)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




5 Al-Mā’idah(المائدة), Talata 40

أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ اللَّهَ لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ يُعَذِّبُ مَنْ يَشَاءُ وَيَغْفِرُ لِمَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 40 ٤٠

Hindi ka ba nakaaalam na si Allāh ay may-ari ng paghahari sa mga langit at lupa; pinagdurusa Niya ang sinumang loloobin Niya at pinatatawad Niya ang sinumang loloobin Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. (40)

Tafsīr
Talaga ngang nakaalam ka, O Sugo, na si Allāh ay may-ari ng paghahari sa mga langit at lupa: gumagawa Siya sa mga ito ng anumang niloloob Niya, at na Siya ay nagpaparusa sa sinumang loloobin Niya ayon sa katarungan Niya at nagpapatawad sa sinumang loloobin Niya ayon sa kabutihang-loob Niya. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: hindi Siya napanghihina ng anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba